Just Another Wowowee Incident
Nu’ng isang araw naman, dapat sana ay makukuha na ng contestant ng ‘Pera o Bayong’ ng Wowowee ang jackpot prize na house & lot, brand new car at P1M, pero kinumbinsi siya ni Willie Revillame na magbago ng sagot na ‘bayong!’ into ‘pera na.’
From 70 thousand to 80 thousand ay ‘bayong’ ang sagot ng contestant. Kinukuit pa rin siya ni willie.
Halata naman kung minsan pag gustong papanalunin ni Willie ang isang contestant, agad bubuksan ang bayong para hindi na magbago ng isip ang contestant.
Itinaas ni Willie ang offer, pinahawak na ni Willie ang cash na 100 thousand, pero ‘bayong’ pa rin ang sigaw ng contestant, hanggang sa nagpasya ang contestant ng, ‘sige na nga, pera na lang,’ na halatang inis sa sariling desisyon .
Hayun, house & lot nga, kotse plus P1M.
Halos sabunutan ng contestant ang sarili niya at mangiyak-ngiyak na nagpapapadyak sa naging pasya!
Naalala tuloy namin ‘yung nangyari sa ‘Wilyonaryo’ portion noon na napatunayang may dayaan daw naganap kaya pinagmumulta sila ngayon ng 290 thousand pesos lang.
Ano? Eh ang halagang ‘yan ay ni hindi pa man lang ¼ ng income ni Willie sa Wowowee, ‘noh?!
ALFIE LORENZO
Abante Tonite
PS. Ano kaya kung mag-tie sina Willie Revillame at Joey de Leon sa Best Noontime Show host ng Star Awards?








































si ruffa ang pinakamaganda artista sa lahat
Comment by Anonymous | January 20, 2007
talo na naman sa poll ang kanguso…hahahahaha
Comment by jim_25 | February 12, 2008