Becky bubuwelta, giyera hahantong sa demandahan!
Sa halip na maka-move-on na lahat, mukhang lalong lumalaki ang isyu sa paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN at Star Cinema.
Ngayon, lalong nagkakagulo-gulo at mukhang hahantong pa sa demandahan ang magkakabilang kampo.
The latest we heard, si Mother Lily Monteverde of Regal Films na ang may bombang pasasabugin against Angel.
Heto pa ang isang latest, may pasasabugin din daw ang manager ni Angel na si Becky Aguila.
Malabo pa sa amin ang detalye ng lahat, pero ’pag nagkataon, ito na yata talaga ang matatawag na World War III.
Source: Journal









































