Valerie lalabas pa rin sa ‘Fantastic Man’
AS we all know, nasa kabilang network na rin si Valerie Concepcion. Nag-expire na rin ang kontrata nito sa Kapuso Network at walang kaabug-abog na inilipat na rin ito ng kanyang manager na si Becky Aguila sa ABS-CBN.
Sa huling pagkakataon at marahil Valerie’s last TV outing with GMA, mapapanood pa rin siya sa top-rating na Fantastic Man: Ang Ikalawang Laban, top-billed by the first Starstruck ultimate male survivor Mark Herras, this Saturday, August 18. Val plays Agent Belle sa serye.
Anyway, sa episode ngayong Sabado ay matutuklasan na ni Fredo (Mark Herras) si Danny 2.0 (Ariel Rivera), ang clone ng kanyang ama na matagal na palang nakatago sa PSI. At dahil sa paghahanap niya ng pagmamahal ng isang magulang, ituturing ni Fredo na parang ama niya rin si Danny 2.0 sa kabila ng babala ni Agent Belle (Valerie) na hindi dapat mahulog ang loob ni Fredo sa isang clone.
Taglay nga kaya ni Danny 2.0 ang mga alaala ng orihinal na Danny? Higit sa lahat ay maging masama rin kaya ang clone gaya ng pinagkopyahan sa kanya?
Tila nag-iiba naman ang pakikutungo ni Agent Belle kay Fredo. Ikagugulat ni Fredo ang pagpapakita ng interes sa kanya ng seryosong agent. Magtagumpay kaya si Agent Belle sa panunukso niya kay Fredo?
At paano kung masaksihan ni Wena sina Fredo at Agent Belle sa isang tagpong labis na ipagseselos niya?
Samantala, nakawala sa detention room ng PSI si Bornok (Mike Tan), isa rin sa mga estudyante ng St. Anthony University, na may kakayahang kopyahin ang anyo ng anumang mahawakan niya.
Ano kaya ang panganib na dadalhin ni Bornok kina Fantastic Man at Fantastic Girl (Ryza Cenon)?
Ang Fantastic Man: Ang Ikalawang Laban ay napapanood tuwing Sabado pagkatapos ng Wish Ko Lang ni Vicky Morales.
Source: Journal









































