KC Concepcion To Start Shooting Her First Film in June

Kinumpirma ni Sandra Chavez, ang manager ni KC Concepcion, ang paggawa ng first movie ng anak ng Megastar na si Sharon Cuneta at ng dating matinee idol na si Gabby Concepcion. Ito ay pagkatapos gawin ni KC ang kauna-unahang drama appearance niya on TV sa Maalaala Mo Kaya.
Ayon sa manager ni KC, ang pagtanggap nila ng offer to do a special episode on Maalaala Mo Kaya ay bilang paghahanda sa pagpasok ng dalaga sa pelikula.

May verbal agreement na raw sila with Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN, at may mga kuwento na raw silang isinumite para pagpilian kung anong konsepto ng pelikula ang magiging first movie ni KC. Kapag nakapamili na si KC kung anong istorya ang nagustuhan niya at napagkasunduan nila ng Star Cinema, saka lang sila magpipirmahan ng kontrata.
Isa sa apat na pangalan ng mga aktor ang posibleng maging leading man ni KC for her first film project. Okay naman daw kay KC ang apat na pagpipilian: sina John Lloyd Cruz, Sam Milby, Derek Ramsay, at Piolo Pascual. Pero magdedepende pa rin kung sino ang mas babagay sa project.
May nagbanggit ng pangalan ni Aga Muhlach but, sad to say, hindi kasama ang pangalan ng aktor sa pinagpipilian.
“He will do a movie with Sharon sa next movie ni Mega,” paliwanag ni Sandra.
Bandang June ang target ng shooting ng first movie ni KC and, hopefully, maipalabas din ito ngayong taon. Within Metro Manila lang daw ang shooting.
Source: PEP










































Comment: Kung 1st movie ni KC Concepcion ang pag-uusapan dapat un known na or star agad like PIOLO PASCUAL para blockbuster agad ang movie kasi pag nag flock ang 1st movie mahirap bumangon. Kung si John Lloyd Cruz parang pangit kasi alam lahat na naging girlfriend nya si Ciarra Sotto na ate ate ni KC at tsaka walang dating si John Lloyd kung pumorma akala mo pang model ang suot pero di naman bagay sa kanya, ang mga damit na sinusuot nya ay bagay lang kay Victor Basa, magpalit sya ng image, ibalik na lang nya sa dati ang porma nya, kung Sam Milby naman tiyak mas maraming english words slang pa sila parehas ni KC at kung si Derek Ramsay naman guapo at macho pero di naman maruong umarte pero ok na rin nadadala ng kamachohan nya at kulay nya. Pero the best kung si Piolo, pakiramadam nyo, very good tandem at tsaka kung nanliligaw na si Richard Gutierrez siguro naman di na pipigilan ni Sharon Cuneta na makasama ni KC si PIOLO, anyway, graduate na si KC, mas maganda pa nga kung si Piolo na lang ang pinabayaan niyang manligaw noon kay KC compare sa mga nabalita na boyfriend ni KC. Kawawang KC, ang bilis mapalitan ng mga naging BF nya.
Comment by Lani Delos Angeles | March 21, 2008
Comment: Kung 1st movie ni KC Concepcion ang pag-uusapan dapat un known na or star agad like PIOLO PASCUAL para blockbuster agad ang movie kasi pag nag flop ang 1st movie mahirap bumangon. Kung si John Lloyd Cruz parang pangit kasi alam lahat na naging girlfriend nya si Ciarra Sotto na ate ate ni KC at tsaka walang dating si John Lloyd kung pumorma akala mo pang model ang suot pero di naman bagay sa kanya, ang mga damit na sinusuot nya ay bagay lang kay Victor Basa, magpalit sya ng image, ibalik na lang nya sa dati ang porma nya, kung Sam Milby naman tiyak mas maraming english words slang pa sila parehas ni KC at kung si Derek Ramsay naman guapo at macho pero di naman maruong umarte pero ok na rin nadadala ng kamachohan nya at kulay nya. Pero the best kung si Piolo, pakiramadam nyo, very good tandem at tsaka kung nanliligaw na si Richard Gutierrez siguro naman di na pipigilan ni Sharon Cuneta na makasama ni KC si PIOLO, anyway, graduate na si KC, mas maganda pa nga kung si Piolo na lang ang pinabayaan niyang manligaw noon kay KC compare sa mga nabalita na boyfriend ni KC. Kawawang KC, ang bilis mapalitan ng mga naging BF nya.
Comment by Lani Delos Angeles | March 21, 2008
dapat c sam milby o john lloyd cruz ang makapartner niya…masyado nang nakakasawa si piolo pascual…bigyan naman ng chance ung ibang star ng kapamilya…luvyah idol!!!
Comment by chandelier | March 28, 2008
sna c john lloyd cruz ang leading man n n kc noh!!!
Nuh b yan! cla ang mas bagay mgkpartner n kc khit s Teleserye pa…kainiz!!! sobrang nakakasawa na ung pagmumukha nung piolo na un pti un sam!!! cgurado kuh sbra maging blockbuster ung movie nla john lloyd-kc!!!! promiz!! wag n umasa cla! john lloyd is the best actor in phil.television 2day…sbrang gwapo at npakagentleman pa!!
Comment by anne shin | April 10, 2008