Tapatan: Joey (Startalk) vs Willie (Entertainment Live)
Abangan si Willie Revillame sa Sabado sa Entertainment Live dahil nagbanta ito kahapon na tatapatan na niya si Joey de Leon sa Startalk.
Mabuti naman para mabuhay ang Entertainment Live dahil live ito pero mistulang patay, walang katorya-torya at talung-talo ng Startalk sa ratings and contents.
Sina Gorgy Rula ba naman at Ronnie Carrasco ang mag-tandem sa Startalk, paanong hindi mananalasa sa ratings ‘yan komo punung-puno ang show ng mga balita?
Makakadagdag pa ang Entertainment Live sa milyones na kinikita ni Willie sa ngayon.
Dapat lang, dahil throughout his life ay pulos kahirapan ang naranasan ni Willie.
Pasabit-sabit lang siya noon kina Aga at Randy. Tingnan n’yo ngayon, mas mayaman pa si Willie kesa dalawa!
Ang kapalaran nga naman! Siguro ay mapapag-aral na ni Willie sa London si Meryll, noh?!
Lifetime pangako niya ‘yan sa anak niya na napako lang.
So, tuluy-tuloy na ang bakbakan sa Sabado? Well, nanganganib ang The Buzz at Showbiz Central kung gayon! Abangan ninyo ‘yan sa Sabado ha! Pramis!
Source: Abante Tonite
Author: Alfie Lorenzo










































humanda na kayo kay JOEY DE LEON…
YARUG na kayo…pag si joey tlaga ang tumira panigurado siSikat kayo!! hahaha!! GO GO GO joey!!! cge tirahin mo na sila..lalo na yang ABS na yan..mciadong sipsip sa mga artista!!! hahaha…kung ano2x kasiraan ang sinasabi sa GMA7
hindi nman totoo..!!
Comment by pam | September 2, 2008