ABS-CBN Will Suspend Rayver Cruz if He Dates Rhian Ramos Again

Pagkatapos tumigil sa panliligaw kay Shaina Magdayao, balitang ang taga-GMA network na si Rhian Ramos naman ang pino-pormahan ngayon ni Rayver Cruz.
In fact, nag-date na nga raw ang dalawa sa isang restaurant sa Parañaque.
Aminado naman si Rayver na nag-date si-la ni Rhian, pero hindi naman daw niya nililigawan ang dalaga.
“Totoong lumabas kami, but it was a friendly date lang naman. Hindi ko siya nililigawan,” paglilinaw ni Rayver sa panayam namin kamakailan.
Si Rayver ay alaga ng ABS-CBN while si Rhian ay mula naman sa GMA-7.
Paano ba sila nag-kakilala?
“Nagkasama kasi kami sa isang show, sa event ng Smart. ‘Tapos ‘ayun, nalaman ko na taga-South din pala siya.
“Hiningi ko ‘yung number niya. ‘Tapos ‘ayun, nagti-text-an kami. Tiyempo naman na nu’ng minsang wala akong ginagawa, tinawagan ko siya para yayaing lumabas. “Nagkataon din naman na wala siyang ginagawa that time kaya ‘ayun, nagkasama kami,” lahad ng young actor.
Isang beses pa lang daw lumabas sina Rayver at Rhian. Pero puwede pa kayang masundan ‘yun?
“Hindi ko pa po alam,” sagot ni Rayver.
“Siguro ‘pag hindi siya busy, puwedeng yayain ko ulit siyang lumabas.”
Aminado rin naman si Rayver na type niya si Rhian kaya niyaya niya itong mag-date sila. “Siyempre naman, maganda naman kasi talaga siya,” sambit ng binata.
So, darating sa puntong liligawan niya si Rhian?
“Hindi ko pa masasagot ‘yan sa ngayon,”
Sa tingin ba niya ay girlfriend material si Rhian?
“Oo naman!” mabilis na sagot ni Rayver.
Ano ang magagandang qualities na nakikita niya kay Rhian?
“Mabait naman siya, sweet at maganda,” aniya. At buong tamis na ngumiti si Rayver.
Mula sa magkalabang networks sina Rayver at Rhian.
Hindi ba nababahala si Rayver na baka pagbawalan siya ng ABS-CBN na makipaglapit kay Rhian?
“I dont think so naman na pagbabawa-lan nila ako. Wala namang masama doon, ‘di ba, na makipagka-ibigan ako kay Rhian? At katulad nga ng sabi ko, friendly date lang naman ‘yun, lumabas lang naman kami. Wala namang ma-sama roon,” diin ni Rayver.
Pero, just yesterday, may nagtsika sa aming masinsinang kinausap si Rayver ng isang executive ng ABS-CBN at ang topic nila ay si Rhian Ramos.
May balita raw kasing nakarating sa Kapamilya na muling nag-date sina Rhian at Ray-ver sa isang exclusive na lugar. Ayon sa aming bubuyog, binigyan daw ng warning si Rayver na kapag nakipagkita pa siya ulit sa dalagang taga-GMA ay bibigyan siya ng ‘kaparusahan.’
ROMMEL PLACENTE
Journal Online










































If it happens that ABS-CBN would suspend Rayver because he went out on a date with someone from GMA, it just proves that the powers at ABS-CBN are narrow-minded and infantile. Dapat ipatupad nila sa lahat ng artista nila like Iya Villania who is dating Drew Arellano, or even (rumored) KC Concepcion for dating Richard Gutierrez, just to name two.
This network war has really gone out of hand and people who are running those networks are showing they are not professionals and have no business being at the helm of public companies. Yes they are public because they are using public airwaves. Network feud should simply stop if television entertainment in the Philippines is to grow.
Comment by Ruben | September 25, 2008
who\’s the source? madali naman kasi masyadong maniwala ang mga pinoy sa sensationalism na ginagawa ng entertainment reporters.. puro gumagawa ng issues lang ang mga iyon. sometimes ang mga lumang reporters parang pinulot lang kung saan saan.
Comment by dingdong | October 2, 2008
well i dont like rhian…sobrang maarte
Comment by doll | October 13, 2008
sus maniwala kau sa mga balitang kutsero nayan. nde naman ganon kagago ang abs-cbn para isuspende ung star nla……hehehehe
Comment by Anonymous | November 5, 2008
maganda sana team up nila ni sarah. ay pangit ugali ni rhian, maldita. hnd namn ata cya pgbawalan, siguro sinabihan lng siya wag always makipagkita kasi kung gusto niya ng team up with sarah sa projects or sa other kapamilya stars hnd naman pwd yung mga ganyan parati sila nakikita ni rhian magksama though friends lng nga sila sabi nya not making ligaw. siguro nga friends kasi yung with shaina hnd namn cya ngdeny about it. mahirap kasi mgwork lng loveteam sa industry sabi nga ni jlc lalo na pg yung ka love team mo may iba sa real life gumagana lng yun sa mga bihasa na mag arte kasi kaya nila mgpretend mgdrama gaya ni jlc kaya makakilig magaling cya mgdala ng leading lady mhirap kasi mg pretend na like mo isang tao. well sana c sarah na lng kasi pareho sila mabait na tao.
Comment by anonymous1617 | November 14, 2008
Why dont abs cbn try Sarah and rayver in one episode of your song to see the viewers reactions? dun na lang sa dance number nila sa asap nakakakilig na what more if they team up in one of the episodes of that show.
Comment by edith tupas | December 2, 2008