PHstars

The Philippines’ Brightest Stars

Valerie Concepcion likes her men “soft”

Umalis na papuntang Canada si Valerie Concepcion last Thursday kasama ang iba pang co-hosts at staff ng Wowowee. Pero bago umalis nung Huwebes ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Valerie during the last live telecast ng Wowowee for that day.

OCTOBER BEST. Babalik si Valerie bago mag-October 2. Then, sa October 18, Saturday, may show si Valerie kasama sina Jed Madela, Richard Poon, K Brosas at Mariel Rodriguez sa October Best @ Zirkoh. Tinanong namin si Valerie kung first time ba siya na magso-show sa isang comedy bar?

“Ah, hindi naman. Pero excited ako dahil makakasama ko rin si Mariel at ibang artists,” ngiti ni Valerie.

Magsho-showdon ba sila ni Mariel sa October Best @Zirkoh?

“Ay, hindi ko alam. Wala pa kaming napapag-usapan tungkol doon. Busy pa kami sa Canada. Pagdating pag-uusapan namin kung maghe-‘hep-hep hooray’ ba kami together.”

Never ba talaga na nagkaroon sila ng inggitan o tarayan ni Mariel sa Wowowee?

“Wala. Alam mo natutuwa ako kasi para kaming family talaga, sa totoo lang. ‘Ate’ ang tawag ko sa kanya kasi bilang respeto na rin dahil mas matagal siya sa Wowowee kesa sa akin. Pero syempre si Ate Pokwang ang pinaka-ate talaga namin.”

Gagawin ba niya ang “Slendance” moves niya nila sa Zirkoh show?

“Kakanta ako at konting sayaw din kung medyo fast ang song ko. Basta abangan na lang nila. Dahil gusto nila yung Slendance ko, o, sige, go! Abangan nila ‘yan.”

RICHARD POON. First time ba niya makakasama si Richard Poon sa show?

“Ay, oo. Crush ko si Richard Poon!

“Syempre magaling siyang kumanta. Kapag hinarana niya siguro ako, ‘Haaay!’

“Parang hindi naman siya nagpo-propose sa akin na manliligaw. Parang ang kapal naman ng mukha ko, haranahin ako, ‘di ba?” at natawa na lang ang seksing Wowowee co-host.

Pero nakahanda ba siya kapag nag-request na haranahin siya sa show?

“Ay, Diyos ko! Dati nung mag-guest siya dito [Wowowee] alam mo ba ako ang nag-interbyu sa kanya? Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nagra-rattle ako. Oo, kaya bongga! Kaya kapag nakita niya akong mag-perfom… Hay! Excited na ako!

“Pero huwag ninyong sabihin na crush ko siya, ha. Nakakahiya.”

Pwede silang mag-duet ni Richard sa show?

“Basta sa akin sasayawan ko na lang siya,” pagkatapos ay gumiling-giling na sa harap namin si Valerie.

“Nagagandahan ako sa boses niya, e. Kaya ang feeling ko kilig-kilig.”

Mahilig ba siya sa singer?

“Hindi naman. First time ko siya na naging crush.”

Saan ba niya unang napanood si Richard?

“Dito sa Wowowee at saka sa PoohKwang.”

‘Tapos na-in love na agad si Valerie rito?

“Hindi. Kasi nga maganda ang boses niya. Hindi naman in love-in love. Nakikinig lang ako sa boses niya parang ang sarap pakinggan.”

Kung sakali, libre ba siyang ligawan ngayon ni Richard?

“Oo, matagal nang libre.”

Paano na ang basketball player na nababalitang boyfriend daw niya?

“Hindi. ‘Di ba date-date nga lang.”

So, pwede siyang i-date ni Richard Poon?

“Naman! Kinabahan ako agad sa question mo.”

So, ready na siya sa October Best @Zirkoh?

“Go na go! Lalo na nandun pala si Richard Poon!” napatawa nang malakas pagkatapos si Valerie.

“GENTLE” MAN. Ano naman ang masasabi niya sa opinyon ng iba na malamya si Richard?

“E, kung ganu’n ba talaga ang personality niya, ‘di ba? Syempre kung ila-love mo ang isang person you should accept everything about him.”

Hindi raw binasted ni Valerie ang regular date niya na basketball player.

“Nagdi-date lang naman. So, open ako sa dating. Kahit kanino pwede kasi hindi naman kami exclusive, e. Wala kaming relasyon.”

Nag-e-enjoy ba siya sa dating?

“Oo, yes, I enjoy dating. Actually, ngayon nitong nakaraang mga araw tatlo ang dini-date ko. Wow! Ha-ha-ha!

“Wala pong artista. Player ‘tapos non-showbiz. Pero wala na yung isa.”

Binasted na niya?

“Oo, kasi sakit sa ulo. Ang dami. Ha-ha-ha!

“Gusto ko mga singer like si Richard Poon. ‘Tapos feeling ko, cute din. Yung si ano, sa PDA. Si Zen, yung may cancer? Pero sabi nila lalamya-lamya yun. Totoo ba yun?”

SHE LIKES ‘EM SOFT. Mukhang nalilinya ang taste ngayon ni Valerie sa medyo soft ang kaguwapuhan.

“E, sobrang lalaking-lalaki kasi ng mga basketball player. Gusto ko naman yung malalambot. Ha-ha-ha!”

Ididispatsa na niya yung basketball player?

“Ay, hindi naman. Nag-e-enjoy naman ako sa company niya. ‘Tsaka yung kay Richard Poon at kay Hanzel naman, kasi parang ano lang, ina-admire mo lang. Kasi parang ang gagaling kumanta.”

Pero yung admiration pwedeng mauwi sa tunay na pag-ibig, ‘di ba?

“Pwede pero syempre kahit magkakakilala kayo talaga, e, kung ganyan-ganyan lang, wala. Sa ngayon kasi ang priority ko talaga is work. Actually, kaya rin yung isang dineyt ko parang ayaw na, dahil din busy ako. Isa siya sa tatlo na dini-date ko na nawala na. Sabi niya, ano raw, masyado raw ako’ng busy.”

AN ATTIC FOR HER CLOSET. Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabili ng kanyang dream house si Valerie.

“Oo nga, e. Actually, naghahanap na ako ng bahay, e. Meron na akong pang-down, wala lang akong mahanap na bahay. Ayoko namang magpagawa dahil baka mamaya kapusin ako. Ang gusto kong bahay yung may attic para sa closet ko. Ayoko naman ng masyadong magarbo. Bedroom mga 3 to 4. ‘tapos yung attic parang yun na rin yung closet ko,” tapos ni Valerie.

Julie Bonifacio
Pinoy Entertainment Portal

September 27th, 2008 Posted by phstars | Valerie Concepcion | no comments

No Comments »

No comments yet.

Leave a comment

This is a captcha-picture. It is used to prevent mass-access by robots. (see: www.captcha.net)

You must read and type the 2 chars within 0..9 and A..F, and submit the form.

  

Oh no, I cannot read this. Please, generate a