PHstars

The Philippines’ Brightest Stars

The Buzz: Cristy Fermin Out! Kris Aquino In!

SABI na nga ba mga Ateng, bilog na bilog talaga ang mundo, eh! Tama ang sabi nilang “what comes around goes around” or “what goes around comes around”. Or whatever!

Nung unang mawala sa “Umagang Kay Ganda” si Ogie Diaz ay kumalat ang kuwento (na ewan ko kung kuwentong kutsero lang) na may nagsumbong daw sa management na tumatanggap ng lagay si Ogie sa bawa’t binabati niya sa show.

Kung taga-Amerika raw ‘yung pangalang binabanggit, One Hundred Dollars daw ‘yun per day. Kaya raw nakaipon si Ogie sa araw-araw na bati niya (example: Maryann Opena) ng plane ticket for the USA trip niya with matching allowance pa raw pagdating niya doon sa pinuntahan niya!


Ang pumalit naman kay Ogie sa UKG ay ganoon din daw ang ginawa, ginaya si Ogie sa pabati sa mga taga-USA kaya nakapag-travel din daw sa Amerika.

Kaya raw naloka ang management, parang from one evil to another, kaya daw lesser evil si Ogie at ibinalik na lang uli sa morning show.

Nung mawala sa morning TV show si Ogie Diaz ay nawala rin siya sa 2:30 pm to 4pm radio program niya sa DZMM kaya ang assistant ni Ogie roon na si Jobert Sucaldito ay umakyat na as the main host ng programa.

This is the radio program of Inday Badiday na then ABS-CBN President Freddie M. Garcia told me to take over nung mamatay si Inday.

Kasi nung may sakit pa si Inday at ma-confined sa ospital ay kami ang kasa-kasama niya sa radio program niya na humiling sa amin na samahan muna siya habang maysakit siya, tulad nung hingan niya kami ng tulong na samahan muna siya sa “Eye To Eye” TV show niya sa GMA-7, which cost me the TV show na dapat ay papalit sa “Abangan Ang Susunod Na Kabanata” noon.

Naka-dalawang taping day na kami na ang direktor namin, would you believe ay si Johnny Manahan pa, ang ngayon ay hari (harian?) na sa magic kingdom!

Tinanggihan namin ang utos ni FMG na mag-radio program kami sa slot ni Inday Badiday, Mondays to Fridays since sa Pampanga na kami naka-based noon.

Kaya napunta ‘yung oras na ‘yun kina Ogie at Jobert and later on to Jobert and much later (nung nagalit si Cristy Fermin kay Ambet Nabus dahil na-blind item nito si Boy Abunda re Mike Defensor’s candidacy, Cristy gave up her Saturday radio program sa DZMM to subtle-ly get away from Nabus), Cristy Fermin joined Jobert sa DZMM 2:30 - 4pm “Showbiz Mismo”.

Take note: Bale second lead lang ni Jobert si Cristy sa DZMM radio program nila, samantalang sa “The Buzz” ay main host si Cristy at si Jobert ay “extra” lang kumbaga with Phoemela Baranda.

O debah, kita nyo ang ikot ng mundo?

Si Ogie Diaz ay nakapag-radio sa ibang estasyon, habang nasa Umagang Kay Ganda na siya. Balita ring natsugi uli si Ogie sa radio station na ‘yun dahil daw kay Jake Maderazo na siya rin daw nagtanggal kay Ogie noon sa morning show ng ABS-CBN na si Noel Ferrer (Ryan Agoncillo’s manager na scriptwriter ng morning show noon) ang pinagbibintangan daw ni Ogie Diaz?

Ngayong muling natanggal si Ogie Diaz sa Umagang Kay Ganda ay may pakalat namang si Sharon Cuneta naman ang nagpatanggal! Anoh bah!?

Nung matanggal si Ogie sa radio station kung saan sila nagprograma noon ni Fernan de Guzman, ibinalik siya sa DZMM 12:30 pm - 1:30 pm halu-halo balita, pero natanggal naman siya uli sa “Umagang Kay Ganda”.

Talaga namang “you win some, you lose some” huh!

Bago nabuo ang “Showbiz Sabado”, hiniling namin na magsama na lang kami ni Cristy Fermin sa show. After 13 weeks ay ayaw ko nang magtuloy ng another season kaya nawalan ng show si Cristy.

Nagkataon namang nag-inarte ang Kris Aquino at nag-quit sa “The Buzz” kaya doon inilagay si Cristy Fermin. Sa pangamba ni Kris na baka doon naman siya tirahin ni Cristy ay nagbalik siya sa “The Buzz”, and from being Boy Abunda’s co-host ay naging taga-interview muna si Cristy until nagkabati sila uli ni Kris at pinayagan na siya ni Kris na makasama na nila ni Boy sa opening remarks ng show, only to quit again kaya napasok si Ruffa Futierrez.

Nung mag-Amerika si Cristy ay pansamantalang pumalit si Kris Aquino sa dati niyang puwesto na inokupa ni Cristy Fermin at nawala uli siya nung magbalik na mula sa bakasyon niya si Cristy.

Lately ay gusto nang magbalik ni Kris sa The Buzz pero walang magawa si Cory Vidanes kasi nanduon na nga sina Ruffa at Cristy bilang co-host ni Boy Abunda.

Problema kung papaanong tatanggalin si Cristy para ibalik uli si Kris Aquino sa dati niyang slot.

Until pumasook nga si Nadia Montenegro to find ways na makabalik si Kris Aquino sa dati niyang show at matigok nila si Cristy Fermin. Hayan at nasuspinde na si Cristy until December 31, 2008 pati na sa DZMM radio program nila ni Jobert Sucaldito.

So for three months ay hindi muna masisilayan si Cristy sa TV, pero magiging abala naman siya sa kata-travel with Willie Revillame hindi lang sa Amerika kundi pati sa Europe until bago pumasok ang New Year 2009.

Sa linggo ba ay magbabalik na si Kris Aquino sa “The Buzz”? That’s the big buzz going around now sa showbiz territory.

‘Yung iniwan naming slot ng “Showbiz Sabado” ay naging “Entertainment Live” nga at ang naging main host na ay si Ogie Diaz na segment host lang namin noon sa “Showbiz Sabado”.

Nung mawala si Ogie doon ay naging “E Live” na ito with tree starlets ng magic kingdom reigning as three queens plus Luis Manzano sa dating hosting job naman ng ama niyang si Edu Manzano.

Oh what a merry-go-round, huh! Pero ask Lolit’s Startalk kung merry nga ba ang mga taga-E Live na patuloy nilang inilalampaso sa ratings!

Oh my, oh my nahihilo na ako, umiikot nga ang mundo! Bilog ito kaya umiikot, noh!

Eh ikaw Donita, hilo na rin ba sa paghihintay ng deadlines ko? Ha! Ha! Ha! Ha!

ALFIE LORENZO
Abante Online

October 17th, 2008 Posted by phstars | Kris Aquino | 7 comments

7 Comments »

  1. Bakla talaga to c alfie..lang kwenta mga sinasabi..
    nakakahiya ang column niya…very gay words used and not informative..you cant pick up somwthing after reading his article..

    sobra makapanglait kay cristy tapos starlet daw three hosts sa Elive..i c juday nga kung d dahil sa abs lang kinakain alfie naun…

    go to hell….

    Comment by bukidnon | October 17, 2008

  2. ang mga manager talaga! wala naman kaung pera kung wala ang artista! wag na kasing magmayabang! hindi naman kayo ang gusto ng tao kundi yung artista perce!!! intiendes!

    Comment by olan | October 22, 2008

  3. kahit kailan inggitira talaga itong si alfie lorenzo hindi nya alam ang mga sinasabi nya.aywan ko ba kung bakit tumagal si judy ann sa kanya samantalang sa kay juday lang naman siya yamaman.mag kasing ugali kasi sila ni cristy fermin kaya hayan ganon nalang kung ipag tangol nya si cristy fermin.sabi nga same feather flock together.ngayon kung ano ano ang sasabihin nya tungkol kay Kris Aquino.hay naku aywan ko ba kung bakit may mga katulad nila ni cristy fermin at alfie lorenzo na tumatagal sa industriya.dapat sa kanila matsugi na ng tuluyan at mawala sa industriya dahil sila lang ang dumi na parang \’tungaw\’.mag salita siya tungkol kay ogie diaz siguro mas malala siya dahil kung tumira sa mga taga ABS-CBN ay ganon dalang.AY NAKU ALFIE MANAHIMIK KA…..

    Comment by ESTER A. MANGUBAT | October 23, 2008

  4. Hay naku Alfi…yumaman ka lang kay juday……Your such a Loser………..Bakit san ka ba nakakakuha ng profit mo..akala mo kung sino ka magsalita..ni hindi ka namn kilala…kung hndi naman dahil sa mga shows ni juday na galing abs ..yayaman ka ba ng ganyan…what comes around..goes around nga….mahiya ka sa blat mo bakla ka….cge nga pakawalan mo si juday…kaya ng galit na galit ka nung nalaman mo na nag cosult si juday for leagl matters kasi takot ka lang mawala siya..pano wala ka na kikitain

    Comment by Cherry Perez | November 4, 2008

  5. hoy,alfie,napanood ko noon yong SOP,yabang mo kung laitin mo si janno,kala mo kung sino ka sa pagsasabing laos si janno kaya pasupport na lang sya kay ogie[yon yong b\\day ni mother]sa SOP,hwag kang ganyan,respect others,pag nagagalit ka wag kang namemersonal kung anong kabulukan ng artistang sinasabi mo,honestly, hindi ako fan ni janno,pero naawa ako sa tao,na magaling namang singer at may talent,pero ang ipahiya ng harapan,nakakanginig ng laman

    Comment by irene | November 5, 2008

  6. at isa ka pa CRISTY FERMIN<kala mo kagandahan ka kung laitin mo ang idol kong si KRIS,skin na skin na lang wala kang sinabi,tumabi ka nga diyan,mabuti na lang at nawala ka na sa the buzz,istorbo ka lang

    Comment by irene | November 5, 2008

  7. Well mula ng umalis si Ogie Diaz sa Umagang kay Ganda eh hindi na ako nanood pa ng show na ito. Kasi sa totoo lang hinihintay ko ang segment nya dahil ito ang isa sa nagpapasaya sa aming malayo sa Pilipinas. Kaso ayong tinanggal pa ng ABS-CBN. As for Tito Alfie naman sana eh mag ingat ingat ka sa pananalita mo. RESPETO lang sa kapwa. Alalahanin mo kailangang lagi tayong handa sa pag lisan natin sa mundong ito lalo nat tumatanda kana na.

    Comment by MauiBoy | November 20, 2008

Leave a comment

This is a captcha-picture. It is used to prevent mass-access by robots. (see: www.captcha.net)

You must read and type the 2 chars within 0..9 and A..F, and submit the form.

  

Oh no, I cannot read this. Please, generate a